(Pilipino Star Ngayon) Updated March 30, 2010 12:00 AM
MANILA, Philippines - Hindi na napigilan ni dating Pangulong Joseph Estrada ang matagal nang kinikimkim na sama ng loob sa kanyang dating matalik na kaibigan na si Manila Mayor Alfredo Lim.
Sa isang kick off rally sa Tondo, Maynila tahasang sinabi ni Estrada na “sinungaling” si Lim kung saan inisa-isa nito ang dahilan ng kanyang sama ng loob sa Alkalde.
Sinabi ni Estrada na nagsinungaling si Lim noong Edsa 2 kung saan nagpaalam lamang ito sa kanya na lalabas upang payapain ang taong bayan subalit nadiskubre niya na sumama na rin ito sa kalsada upang patalsikin siya sa puwesto.
Nang makabalik si Lim sa pagka-alkalde ng lunsod ay nangako ito kay Estrada na hindi pakikialaman ang kaibigang si konsehal Dennis Alcoreza dahil sa isyu ng Vitas slaughter house.
Ayon kay Estrada, hindi tinupad ni Lim ang kanyang pangako at sa halip ay kinaladkad pa ng mga tauhan nito na parang baboy palabas ng slaughter house si Alcoreza.
Ayon pa kay Erap lahat ng kahilingan pa sa kanya ni Lim ay pinagbigyan niya dahil sa pag-aakalang mabuti at tapat itong kaibigan subalit nagkamali pala ito dahil isang “sinungaling” na kaibigan pala ang kanyang pinagbibigyan.
“Kung sa isang konsehal nagagawa niyang kaladkarin na parang baboy paano pa kaya ang isang ordinaryong tao” pagtatanong pa ni Erap.
Nilinaw pa ng dating Pangulo na malaki ang kanyang pagsisisi ng suportahan at i-endorso ang dating kaibigan na isang sinungaling.
Tuesday, April 20, 2010
'Inilaglag ako ni Fred Lim' - Erap Estrada
Labels:
Alfredo Lim,
Election 2010,
Erap Estrada,
Lito Atienza,
Manila Election
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment